Patroller reports road mishap in Laguna

Posted at Apr 25 2012 12:53 AM | Updated as of Apr 25 2012 08:53 AM

Ini-report ng isang Bayan Patroller ang isang aksidente sa Lumban, Laguna kaninang alas-5:30 ng madaling araw. Dalawa ang kritikal sa aksidente.

Sa ipinadalang video at larawan ni Kyren Durante, isang babae ang nakahandusay sa gilid ng daan habang isang matandang lalaki naman ang maririnig na umuungol sa tabi ng isang tricycle.

Kuwento ni Durante na napadaan lang sa pinangyarihan ng aksidente, nag-aagaw buhay ang babae habang naabutan nilang nakaipit ang lalaki sa tricycle.

Sa imbestigasyon ng Lumban police, napaidlip ang driver ng L300 van na si Reynaldo Lijen Jr. at nabangga ang tricycle ni Jovito Alfonso sa kabilang lane ng daan.

Kinilala ang nakahandusay na babae si Sunshine Novarro, 15 anyos at pasahero ng tricycle.

Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to properties ang nahuling driver ng truck.