TUKLASIN: Mga cold spring resort sa Soccsksargen

ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2016 09:38 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sa gitna ng matinding init, dinarayo ng mga turista ang iba't ibang cold spring resorts sa Soccsksargen.

Isa rito ang matatagpuan sa Tupi, South Cotabato na 15 minutong biyahe ang layo mula sa poblacion.

Sa halagang P1,500, magagamit na ng 20 tao ang buong resort. Maaari namang rentahan ng P2,000 bawat cottage para sa mga gustong mag-overnight.

Sa Polomolok, matatagpuan naman ang isa pang cold spring resort.
Karamihan sa mga pumupunta rito magka-pamilya at magkaka-barkada,

Nasa P20 lang ang entrance fee at P30 para sa mga gustong magpalipas ng gabi.

Araw-araw ring napupuno ang isang resort sa General Santos City na P25 lang ang entrance fee.

Pinayuhan naman ang mga nagbabakasyon na bantayan lalo na ang mga bata sa paliligo para maiwasan ang disgrasya.

- Umagang Kay Ganda, 22 Abril 2016