Overflow river sa N. Ecija, dinarayo

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2016 09:28 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Patok sa mga gustong magpalamig ngayong tag-init ang overflow river sa Rizal, Nueva Ecija kung saan dumadaan ang pinapakawalang tubig ng Pantabangan Dam.

Mistualang wave pool ang ilog na may banayad ng agos na tumatangay sa mga turista.

Bukas ang lugar sa mga namamasyal nang walang entrance fee.

Pwede din ito sa mga paslit dahil hindi malalim ang tubig.

May kanya-kanyang kubo rin ang mga bisita.

Pinapayuhan lang ang mga namamasyal sa overflow na huwag magkalat, mag-ingat sa matatalim na bato at huwag maglaro sa tulay para iwas-disgrasya.

- Umagang Kay Ganda, 15 Abril 2016