No tsunami alert in PH

Posted at Apr 11 2012 09:28 PM | Updated as of Apr 12 2012 05:28 AM

Malaki ang epekto sa bansa ng dalawang weather system.

Ang ridge of high pressure area na magdadala ng mainit na panahon sa Luzon at ang ITCZ o intertropical convergence zone na magdadala naman ng maulap na panahon sa Mindanao.

Luzon weather muna. Good and sunny weather po tayo sa northern, central at southern Luzon.

Maaraw at maliit ang posibilidad ng ulan sa Baguio at La Union.

Patuloy ang mainit na panahon sa Metro Manila, Pampanga at Bulacan.

Maganda rin ang panahon sa Southern Tagalog at Kabikulan, maulap naman at malaki ang posibilidad ng ulan sa Palawan.

Visayas weather naman. Maganda rin ang panahon sa buong Visayas bagamat asahan po natin ang isolated thunderstorms o pag-ulang di tatagal sa maraming lugar.

Good weather po tayo sa Samar at Leyte, maaraw din sa Negros at Bacolod.

Silipin naman natin ang lagay ng panahon sa ilang beach destinations sa Visayas.

Mindanao weather naman. Apektado po ng ITCZ ang Mindanao na makakaranas ng maulap na panahon.

Maulap at uulan sa Zamboanga at Sulu, makulimlim din sa Cagayan de Oro at Iligan.

Maulap din sa Davao at GenSan and the rest of Mindanao.

Ang atin pong ABS-CBN Weather Central ay nakatatanggap din po ng impormasyon tungkol sa lindol sa Indonesia kanina.

Base nga sa satellite data, 4:38 ng hapon nang maitala ang 8.7 magnitude na lindol.

Nasa dagat po kanluran ng Sumatra, Northern Indonesia ang epicenter ng lindol.

Ang ganitong kalakas na lindol ay posibleng mag-create ng tsunami kaya naglabas na rin ng warning sa mga bansa na nasa Indian Ocean.

Malayo po sa Pilipinas ang lindol na ito at wala po tayong dapat ikatakot sa mga tsunaming maaring malikha ng 8.7 magnitude na earthquake na ito.