Woman crucified in Bulacan

Posted at Apr 07 2012 01:38 PM | Updated as of Jan 18 2017 10:53 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Dinagsa ng mga deboto ang kakaibang panata ng mga residente sa Barangay Kapitagan, Paombong, Bulacan.

Maaga pa lang, pila na ang mga deboto para mag-penitensya dito. Pero ang pinaka tampok sa nasabing paggunita ang pagpapa-pako sa krus ng ilang deboto kung saan kabilang dito ang babae.

Bukod ito sa tatlong lalaki na siyang nagpa-pako sa krus. Ito para sa mga deboto ang kanilang paraan bilang pakikiisa sa paghihirap ni Hesukristo. News Patrol, Abril 7, Sabado