TUKLASIN: Pinakamalinis na lawa ng bansa, patok sa mga turista

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2016 08:42 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Dinarayo ng mga turista ang mala-paraisong ganda ng Lake Holon sa T'Boli, South Cotabato, na itinuturing na pinakamalinis na lawa sa buong bansa.

Matatagpuan ang Lake Holon sa bunganga ng Mt. Parker o mas kilala bilang Mount Melibingoy -- isang strato volcano na dahil sa pagsabog ay nabuo ang lawa.

Mayroong dalawang trail paakyat ng Mt. Parker: ang regular trail na pwedeng subukan ng mga bata, at ang hunter's trail na bahagyang mas mahirap daanan.

Tatlong oras ang lakaran bago makarating sa view deck kung saan makikita ang kabuuan ng crater lake ng Holon.

Hanggang 150 campers ang pwedeng tumuloy sa campsite ng bundok. Maaari ring mag-relax sa fish spa rito.

Muling binuksan sa mga turista ang lawa nitong Marso matapos itong isara nang tatlong buwan para sa rehabilitasyon.

Mahigpit namang paalala sa mga turista na panatilihin ang kalinisan ng lawa.

- Umagang Kay Ganda, 1 Abril 2016