Gubat ng Mt. Apo, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2016 10:06 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Hindi pa rin naaapula ngayong Lunes ang sunog na sumiklab sa Bundok Apo na nagsimula noong Sabado ng hapon.

Sumiklab ang apoy ala-1:30 ng hapon noong Sabado de Gloria sa campsite 3 ng Digos-Kapatagan trail, na malapit sa tuktok ng bundok.

Sa kuha ng Bayan Patroller na si Michael Montebon, makikita ang malaking apoy na lumalamon sa mga talahib. Bigo naman ang mga awtoridad na maapula ang sunog na mabilis na kumalat sa mga tuyong tanim.

Nitong Lunes, umabot na ang apoy sa Lake Venado na atraksyon sa mga turista.

Binuo na ang isang incident management team para tutukan ang sunog sa pinakamataas na bundok ng Pilipinas.

Hindi pa rin natutukoy ang sanhi ng insidente.

- Umagang Kay Ganda, 28 Marso 2016