Ekta-ektaryang taniman ng sibuyas, sinalakay ng army worms

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2016 11:46 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sinalakay ng pesteng army worms ang ilang taniman ng sibuyas sa Nueva Ecija.

Ayon sa Provincial Agriculture Office, umabot na sa 400 ektaryang taniman ng sibuyas ang apektado lalo na sa mga bayan ng Santo Domingo, Bongabon, Quezon, at Aliaga.

Sinalakay din pati mga taniman ng kamatis.

Pero tiniyak ng Agriculture Office na hindi magkakaroon ng kakulangan sa supply lalo't hindi pa nagsisimula ang peak season ng anihan.

Sa ngayon, nasa P28 kada kilo pa rin ang farm gate price ng puting sibuyas at P35 naman sa pulang sibuyas.

- Umagang Kay Ganda, 17 March 2016