WATCH: Museo sa Pampanga, pwedeng puntahan sa V-Day

Posted at Feb 05 2015 02:36 PM | Updated as of Feb 05 2015 10:36 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Kung kakaibang experience ang nais mo ngayong araw ng mga puso, pumunta na sa Museo ng Angeles sa Pampaanga.

Hindi ordinaryo ang mga putahe dito dahil bida ang mga pinagmamalaking Kapampangan specialties.

Bestseller ang putung babi at suklating batirul.

Ngayong Valentine's Day, mararagdagan din ang kanilang menu.

Magkakaroon ng pansit luglug na Kapampangan version ng pansit palabok, arobung manuk sandwich, at sampelut na may inangit o ‘yong sinaunang suman sa Kapampangan.

Sa halagang P200, makakamit na ang perfect heart day date.

Sa mismong Valentine’s Day, magkakaron ng munting palatuntunan sa lugar kung saan tutugtog ang ilan sa mga kilalang local bands ng mga kinakikiligang mga love songs.

--Umagang Kay Ganda, 5 February 2015