Dating basurera, umasenso sa pagtatanim ng gulay

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2016 10:42 AM | Updated as of Jul 26 2017 10:37 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MANILA - Mula sa pagiging basurera, umasenso na ang isang negosyante sa simpleng pagtatanim ng gulay.

Kung dati'y basura ang dating pinupulot at kinakalakal ni Daisy Duran, ngayon gulay na ang kanyang pinipitas.

Ani Daisy, maaari siyang umani ng ampalaya sa kanyang puno sa loob lamang ng 60 araw. Mayroon din siyang ibang pananim sa kanyang lupain sa San Ildefonso, Bulacan.

Madali lang magpalago ng pananim kahit sa loob lamang ng black bags, supot ng semento, sako o lumang timba. "Yun ang tinatawag natin na containerized gardening," ani Daisy.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, January 12, 2016