Hubert Webb visits ex-jailmates, shares gifts

Posted at Dec 30 2010 10:40 PM | Updated as of Dec 31 2010 10:09 AM

Karamihan sa kanila ay walang dumadalaw na pamilya kaya't nagpasya si Hubert Webb na dalawin ang mga dati niyang kakosa sa Munti [Muntinlupa]. Para kahit paano'y  mapasaya niya ang Pasko nila.

Ramdam ni Hubert ang pinagdaanan ng mga dating kasamahan sa loob ng bilangguan.

“It’s kinda hard also for me. I feel them because I had people visit me also,” ani Hubert.

Laking pasalamat naman ng kanyang mga dating kakosa.

“Masarap kasama si Hubert” sabi ng isang dating ka-kosa ni Hubert.
 
Nakiki-simpatiya rin si Hubert kay Mang Lauro Vizconde. Ito ay kahit patuloy na iginigit ni Mang Lauro na si Hubert at mga kasama ang nasa likod ng Vizconde Massacre.

“Like Mr. Vizconde, we are looking for those who did it because when we do, we are definitely cleared. We just don’t like the way they are doing it kasi they keep looking in the wrong place,” sambit ni Hubert.

Hinamon ngayon ni Hubert ang sinasabing mga bagong testigo ng kampo ni Mang Lauro sa isang lie detector test para malaman ang katotohanan.

“Kung puwede lang ho, mag-lie detector test tayo, sabay-sabay lang... And to recover from our [suffering] is not that easy,” dagdag pa ni Hubert.
 
Ang New Year's wish ni Hubert: maparusahan ang mga nagsisinungaling at nagkasala. Henry Omaga-Diaz, Patrol ng Pilipino