Higit 40 timbog sa drug raid sa Baseco

ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2015 10:33 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv
Mahigit 40 ang naaresto ng mga pulis matapos ang magkakasabay na raid na isinagawa Lunes ng madaling-araw sa Baseco Compound, Maynila.

Kinailangang gumamit ng battering ram ng mga pulis para mapasok ang ilan sa anim na bahay na pakay ng search warrant para sa mga iligal na baril.

Nadiskubre rin ng mga pulis ang shabu at drug paraphernalia sa mga bahay.

Sugatan naman ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis. 

Ayon sa Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang operasyon ay bahagi ng Oplan Lambat Sibat na magpapatuloy sa mga susunod na araw. 

Iniimbestigahan na ng pulisya kung sangkot ang 40 suspek sa bentahan ng ilegal na droga. 

Kasama sa mga nadakip ang anim na target ng search warrant. 

- Umagang Kay Ganda, 3 November 2015