10 timbog sa Oplan Lambat-Sibat sa QC

Posted at Oct 22 2015 10:29 AM | Updated as of Oct 22 2015 06:29 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Mahigit 10 ang arestado sa isinagawang Oplan Lambat Sibat sa mga barangay ng Payatas, Commonwealth at Batasan sa Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Ikinasa ng Quezon City Police District (QCOD) Station 6 ang paghuli sa anim na may warrant of arrest sa iba't ibang kaso gaya ng pagnanakaw, homicide, attempted murder at drug-related cases.

Nahuli ang anim na lalaki na umano'y gumagamit ng shabu sa Barangay Commonwealth. Nakuha mula sa kanila ang drug paraphernalia at mga sachet ng hinihinalang shabu.

Bukod dito, kinumpiska rin ang 11 motorsiklo na walang plaka at rehistro. Ito'y upang matiyak na hindi nagagamit ang mga ito ng riding-in-tandem, o yung mga naka-motorsiklong kawatan na sangkot sa mga ilegal na gawain tulad ng snatching at panghoholdap.

Dinampot din ng mga awtoridad ang mga nagvi-video karera na ginagamit sa pagsusugal.

- Umagang Kay Ganda, 22 October 2015