Cainta residents cry foul over hospital waste

Posted at Sep 13 2012 11:00 PM | Updated as of Sep 14 2012 10:09 AM

Nakatiwangwang na mga heringgilya at iba pang gamit sa likod mismo ng ospital ng bayan ng Cainta ang inireklamo sa Bayan Mo, iPatrol Mo. Nakunan pa ng larawan ang mga hukay na pagbabaunan sana ng mga hospital waste. Pero nanindigan ang mga lokal na otoridad sa Cainta na ito ang tamang proseso ng pagdidispatsa ng basura ng ospital. Nagpa-Patrol, Alvin Elchico. TV Patrol, Setyembre 13, 2012, Huwebes