ABS-CBN News

Woman fights off snatcher, keeps her bag

Posted at | Updated as of 09/11/12 11:36 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Sa ating CCTV Patrol, ibinahagi ng isang Bayan Patroller ang bidyo ng isang babae na nanlaban sa snatcher ng kanyang bag sa West Triangle, Quezon City.

Sa CCTV video noong August 26 na ipinadala ni John Baxter, makikita ang isang tricycle driver na  inabangan ang tumatawid na babae at saka hinablot ang bag nito.

Nakipag-agawan ang babae pero nabitawan niya ang bag.

Pasakay na sana ng tricyle ang suspek pero muling nanlaban ang babae at nabawi ang kanyang bag.

Umalis lang ang suspek nang may sumita sa kanyang residente.

Hindi naman matukoy ang suspek dahil walang body number ang tricycle nito. TV Patrol, Setyembre 10, 2012, Lunes