Gener leaves 2 dead, 14,000 people affected

Posted at Jul 30 2012 09:41 PM | Updated as of Jul 31 2012 05:41 AM

Matinding hinagupit ng bagyong Gener sa nakalipas na magdamag ang malaking bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila. Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, dalawa na ang kumpirmadong patay at 14,000 na ang apektadong residente. Alas-2 ng hapon kanina nang sinuspinde na rin ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno, maging  klase sa kolehiyo. Nakansela rin ang ilang international at domestic flights sa NAIA dahil sa masungit na panahon.

Sa Maynila, higit 200 pamilya ang inilikas sa iba't ibang lugar dahil sa pananalasa pa rin ng bagyong Gener. Umapaw din ang tubig mula sa Manila Bay kagabi na nagdulot ng pagbaha sa mga komunidad na malapit sa dagat.

Inararo naman ng dalawang naglalakihang barge ang may higit 40 bahay sa may Parola, Tondo. Live mula Maynila nagpa-Patrol si Jeff Canoy. TV Patrol, Hulyo 30, 2012, Lunes