Guard shooting alarms UP Manila students

Posted at Jul 18 2012 03:38 AM | Updated as of Jul 18 2012 11:38 AM

Sugatan ang isang security guard matapos barilin ng kapwa niya gwardya sa isang badminton court sa Maynila. Nagdulot ito ng malaking takot sa mga estudyante ng UP Maynila na nagpi-PE sa lugar sa mga oras na iyon. Sumugod ang mga pulis at naabutan ang ilan sa mga estudyante na nagkulong sa banyo at nanginginig sa takot. Magba-Bandila si Chiara Zambrano. Bandila, Hulyo 17, 2012, Martes