PANOORIN: Sawa nahuli sa parking lot ng supermarket

Posted at Jul 15 2015 12:05 PM | Updated as of Jul 15 2015 08:05 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MANILA - Pinagkaguluhan ng mga residente ng Barangay Karuhatan, Valenzuela ang sawang nahuli kagabi.

Mataba at may habang 15 talampakan ang sawa.

Kwento ng mga barangay tanod, natagpuan ang sawa sa parking lot ng isang supermarket.

Noong isang linggo, pagkatapos ng ulan at paghupa ng baha sa lugar, isa pang sawa na may habang anim na talampakan ang nahuli nila sa palengke sa may katayan ng manok.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, July 15, 2015