Aid workers dig for man buried under piles of rubble

Posted at Jul 03 2012 10:03 PM | Updated as of Jul 04 2012 06:03 AM

Pasado alas-10 ng umaga nang mangyari ang pagguho ng ilalim ng tulay dito sa Gen. T. de Leon sa Valenzuela. Ilang dekada na ang tagal ng tulay na ito, at sa paglipas ng panahon, paisa-isa na ring dumami ang mga naninirahan sa ilalim nito. TV Patrol, Hulyo 3, 2012, Martes

Dalawa ang namatay dito na ang isa ay hinuhukay pa rin. Ang hinuhukay pa ay lalaking edad 30 na natabunan ng malaking bloke ng adobe. Ang retrieval operation ay tuluy-tuloy hanggang hindi pa nakukuha ang nasawing lalaki.