NBI nabs 5 Koreans for online gambling

Posted at Jun 21 2012 12:06 AM | Updated as of Jun 21 2012 10:53 AM

Sa bisa ng isang search warrant, sinalakay ng NBI Technical Investigation ang dalawang condominium unit sa Asiawealth Tower sa Leveriza St., Pasay City.

Aakalain mong isang call center ang lugar dahil sa mga naka-setup na computer na ginagamit sa online betting.

“We have some reports that the operators here are either Korean nationals or Chinese nationals that are engaged in illegal gambling,” sabi ni Palmer Mallari, hepe ng NBI Technical Investigation Division.

Sa white board na ito nakalista ang mga username at password na ginagamit sa mga website na ginagamit sa pag-operate ng online casino.

“They can place their bets using their credit cards and choose from among the games available sa website kung saan sila tataya,” sabi ni Mallari.

Huli sa aktong nag-o-operate ang limang Koreano na agad inaresto ng NBI.

Ayon sa NBI, karaniwan sa mga condominium lang ay nakakapag-operate na ng iligal na online casino ang ilang dayuhan basta lang may Internet connection.

“Wala gaanong need for documentation. The way I see it, ‘yung pagiging lax ng regulations ay ‘yun ang ginagamit nila,” sabi ni Mallari.

Kakasuhan ang mga naarestong dayuhan ng paglabag sa Anti-Gambling Law at RA 9287 o ang batas na nagtataas ng ipinapataw na parusa sa illegal number games. Maan Macapagal, Patrol ng Pilipino