ABS-CBN News

Police searcing for 'sex maniac' victimizing dentists

Posted at | Updated as of 06/07/11 1:19 PM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

May 14 nang pumasok sa dental clinic sa Tandang Sora, Quezon City ang isang lalaki para magpa-pasta ng ngipin.

Maya-maya biglang nag-anunsiyo ng holdap ang lalaki.

Saka tinalian ng straw sa paa’t kamay ang 2 dentista at nilagyan pa ng tape sa bibig.

Ang isa namang dentista at pasyente, itinali rin saka ninakawan.

May malaswa pang ginawa ang suspek.

“Nag-masturbate siya tapos may hawak siyang face towel,” sabi ng biktimang dentista. “Sabi niya, 'SOP lang ito sa ka-grupo ko.' Bigla niya akong hinampas sa mukha at sinabing ‘Huwag kang tumingin.””

Nitong Huwebes naman, isang lalaking magpapalinis ng ngipin ang nanloob din sa isang dental clinic sa San Jose del Monte, Bulacan.

Binusalan ng bulak sa bibig saka itinali ng straw at packing tape sa dental chair ang dentista.

Dinala naman sa CR ang kanyang assistant.

“Humawak siya sa maselang bahagi ng katawan ko,” sabi ng biktima.
 
Sa Maynila, ginahasa at ninakawan din ang isa ring dentista.

“Sex maniac iyan. Talagang hindi lang pagnanakaw, sasamahan niya ng rape,” sabi ni Supt. Anita Araullo, hepe ng Women and Children’s Protection Desk ng Manila Police District.

Nilabas naman ng Manila Police District ang computer sketch nito.

May taas siya na 5”6 hanggang 5”7, nasa 30 hanggang 35 years old, maitim at katamtaman ang pangangatawan. Maan Macapagal, Patrol ng Pilipino