Violators of smoking ban may face community service

Posted at May 30 2011 10:46 PM | Updated as of May 31 2011 10:44 AM

Nag-umpisa nang manita ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga nagyoyosi sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila.

Paghahanda ito sa pagpapatupad ng smoking ban sa Hulyo.

Pinagsabihan lang muna sila at binigyan ng "no smoking" flyers.

Limandaang piso ang multa sa unang huli. Isanlibo hanggang P5,000 sa ikalawa, at hanggang P10,000 sa ikatlo.

Kung hindi naman makakabayad ay kailangang mag-community service gaya ng pagwawalis sa kalsada.

Base kasi sa Republic Act 9211 o Tobacco Regulation Act noong 2003, bawal mag-yosi sa mga lugar tulad ng sidewalk, kalsada, paaralan, ospital, pampublikong sasakyan at government offices.

Problemado tuloy ang mga mahilig mag-yosi.

May iba namang nagmamatigas pa rin.

Umaalma naman ang mga yosi vendor.

Nilinaw naman ng MMDA: Hindi inaalisan ng karapatan ang mga gustong mag-yosi at maghanapbuhay.

"Puwedeng mag-yosi at magbenta ng yosi," sabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino. "Ang ipinagbabawal lang po dito ay 'yung manigarilyo kahit saan."

Hindi naman nakalusot ang MMDA sa tanong kung exempted ba ang Pangulong Aquino sa smoking ban.

Bahala naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na parusahan ang PUV drivers na mahuhuling nagyoyosi sa biyahe.

Bukas ang LTFRB hotline sa mga sumbong sa mga lalabag sa smoking ban. Zen Hernandez, Patrol ng Pilipino