2 arestado sa Oplan Lambat Sibat sa Laguna

Posted at May 29 2015 11:09 AM | Updated as of May 29 2015 07:09 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

CALAMBA – Dalawa ang arestado sa ginawang operasyon ng mga pulis sa Calamba, Laguna.

Bandang 5 a.m. noong Biyernes nang pasukin ng Calamba Police ang dalawang bahay sa magkaibang barangay sa Calamba.

Bitbit ang mga search warrant, pinasok nila ang bahay ng isang Edgar Evangelista sa Barangay San Cristobal kung saan nakumpiska ang isang 0.45 kalibre na baril, mga bala at ilang mga drug paraphernalia.

Sinasabing sangkot umano si Evangelista sa bentahan ng ilegal na droga sa probinsiya.

Sa Barangay Licheria naman, arestado ang 66-anyos na si Eselito Mamino, kung saan naman nakuha dalawang baril, apat na improvised shotgun at mga patalim.

Bahagi ng Oplan Lambat Sibat ang naging operasyon sa Calamba.

Pakay nito na masugpo lahat ng mga di-lisensiyadong baril at ang mga nagtutulak at gumagamit ng mga illegal na droga.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, 29 Mayo 2015