‘XXX’ bares more details on Leviste caper

Posted at May 23 2011 08:43 PM | Updated as of May 24 2011 10:31 PM

Ito ang mga surveillance video na nakunan ng “XXX” sa paglabas-masok ni dating Governor Antonio Leviste sa piitan.

Hindi namin mabibisto ang anomalyang ito kung hindi naglakas-loob magsumbong sa amin ang tipster na itago na lamang natin sa pangalang "Jun."

Ayon kay Jun, madalas niyang makita sa LPL building ang dating gobernador noong Pebrero.

“Mga bandang 11 a.m. o mga 1 p.m., nakikita ko dumarating siya. Akala ko laya na siya kasi parati na siyang bumababa at pumupunta sa building,” sabi ni Jun.

Nagtaka siya dahil alam niyang nakakulong si Leviste sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Kaya naman nagsaliksik siya sa dyaryo at Internet.

“Doon ko nabasa lahat ang background niya at kung ano ang sentence na mayroon siya at kung siya’y nakalaya ba o hindi. Nakita ko na may sentence na pala siya noong 2009,” sabi ni Jun.

Nitong May 18, bunsod ng aming surveillance, kumilos na nga ang National Bureau of Investigation para hulihin sa akto ang dating gobernador.

Taberna: Mayroon po ba kayong permiso?

Leviste: Biglang sumakit ang ngipin ko. Diretso na lang ako.

Taberna: Alam niyo po bang hindi puwedeng lumabas?

Leviste: But I’m suffering.

Dahil sa paglalakas-loob ni Jun, ngayo'y sinisimulan na ang imbestigasyon sa nangyaring anomalya sa Bilibid. Anthony Taberna, Patrol ng Pilipino

Ipalalabas ang XXX mamaya, pagkatapos ng 'Bandila.'