German accused of molesting adopted child

Posted at May 21 2012 10:48 PM | Updated as of May 22 2012 11:58 AM

Ito ang bidyo ng isang hubo't hubad na babaeng nakahiga sa kama at tila wala sa ulirat.

Maya-maya pa, isang lalaking foreigner naman na wala ring saplot ang umeksena at ginawan ng kahalayan ang babae.

Mga daing na tila nasasaktan ang maririnig sa bidyo.

Sa isa pang bidyo, makikita ang isang babae habang minamasahe ang isang hubo't hubad na dayuhang lalaki hanggang sa hinablot ang masahista at pinilit ding halayin.

Ang dayuhan sa bidyo ay ang 54 anyos na German na si Maximilian Fastenmeier o Maxi.

Ilan lang ito sa daan-daang bidyong nadiskubre ng asawa ni Maxi Fastenmeier na nagpatago sa pangalang Minna.

Pero ang mas masakit para kay Minna ay nang malaman niyang pati ang kanilang 10 taong gulang na Pilipinang ampon ay ginalaw din diumano ni Maxi.

“He was forcing my daughter to take shower with him,” sabi ni Minna.

Sa pahintulot at gabay ni Minna, personal kong nakausap ang batang itinago natin sa pangalang Leyna.

Anim na taon pa lang daw siya noon nang umpisahang molestyahin diumano ng kinikilalang ama.

“He touched my private parts, I really don't like it,” sabi ni Leyna.

Kasong child abuse ang isinampa ni Minna laban sa kanyang asawang si Maxi.

Sa isang email na ipinadala naman ni Maxi, itinanggi niya ang mga akusasyon ng asawa at anak na na-brainwash lang daw ni Minna ang kanilang anak para makuha ang kanilang pera at mapasakamay ang kanilang resort sa Boracay. Pinky Webb, Patrol ng Pilipino