2 pang bagong tren ng MRT, binuo

ABS-CBN News

Posted at May 15 2016 10:07 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sinimulan nang buuin ang dalawa pang bagong lightweight vehicle ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Taft Avenue station, Sabado.

Tumagal ng tatlo hanggang apat na oras bago makumpleto ang pag-assemble na sinimulan pasado alas-10 ng gabi.

Mayroong tatlong bagon ang kada train unit.

Matapos mabuo ang mga tren, sasailalim ang mga ito sa serye ng test para matiyak na maayos, ligtas at kumportableng ipagamit sa publiko. Kailangan ding magkumpleto ng mga ito ang 5,000-kilometrong test run.

Ang pagdaragdag ng mga bagon ay bahagi ng proyekto na pamahalaan para mapabuti ang serbisyo ng MRT-3 na ginagamit na nasa 500,000 katao kada araw.

Inaasahang aabot sa 800,000 katao ang maseserbisyuhan ng MRT-3 kada araw kapag nakumpleto na ang 16 bagong tren mula China sa Enero 2017.

- DZMM TeleRadyo, 15 Abril 2016