Biyahe ng MRT muling nilimitahan

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2016 08:25 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Limitado ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong Sabado ng umaga.

Ito'y matapos magkaroon ng problemang teknikal sa mga tren, bagamat hindi malinaw sa ngayon kung anong klaseng aberya ito.

Namataan naman ang ilang tauhan ng MRT na nagkukumpuni ng riles sa pagitan ng Shaw Boulevard at Boni stations, southbound.

Hanggang pasado ala-7 ng umaga, may biyahe lamang ang MRT mula sa North Avenue hanggang Shaw Boulevard stations at pabalik.

- DZMM TeleRadyo, 30 Abril 2016