Bangka ng rowing team tumaob sa Manila Bay, isa pinaghahanap

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2016 02:33 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Dalawampu't isang miyembro ng rowing team ang nailigtas ng Philippine Coast Guard sa Manila Bay, Sabado ng umaga.

Tinukoy ni PCG spokesperson Lt. Cmdr. Armand Balilo ang grupo bilang Alab Sagwan Pilipinas, na maraming beses nang nagwagi sa iba't ibang rowing competition.

Sinasabing 22 ang sakay ng nagkaaberyang bangka kaya may isa pang miyembro ang nawawala.

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na pinasok ng tubig ang bangka habang nag-e-ensayo ang grupo.

Nagpapatuloy pa ang search and rescue operation para mahanap ang hindi muna pinangalangang miyembro ng Alab Sagwan.

- DZMM TeleRadyo, 20 Abril 2016