ABS-CBN News

EXCL: Ex-DND chief's kin suspect cover-up in mart shooting

Posted at | Updated as of 05/01/12 6:50 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Napasugod sa tanggapan ng Kampo Karingal sa Quezon City ang ina at abugado ng nabaril na si Florante Ileto. Kinukuwestyon nila kung bakit hindi agad naaresto ng mga rumespondeng pulis ang guwardiyang si Joemar Tamayo, na siyang itinuturong bumaril umano sa biktima matapos ang isang pagtatalo.

“Panawagan ko sa chief ng PNP, ma-relieve muna sila while we are trying to investigate the case of my son,” sabi ni Carmen Ileto, ina ng biktima.

“Feeling ko po, there is a coverup. According to Cherry Foodarama, a mobile patrol coming from Station 3 is already there, coordinating with the management, and talking to Tamayo.”

Sa exclusive video na nakunan ng News team noong Biyernes ng hapon, namataang palakad-lakad sa loob ng supermarket ang duguang lalaki. Maya-maya ay inilabas din ang isa pang duguang lalaki na kinilalang si Florante, na apo ni dating Defense Secretary Rafael Ileto.

Dumating din doon ang mga pulis, pero ayon sa kanila ay hindi na nila dinatnan doon si Tamayo.

“Ang mga pulis po natin na inirereklamo, ay kinausap ko na po kahapon, pero sabi nila, wala na silang naabutang guwardiya at nakatakas na po,” ani Police Supt. Osmundo de Guzman, hepe ng QCPD-Station 3.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang pamunuan ng Cherry Foodarama.

Nagsabi naman ang Full Force Security Agency na sakaling makipag-ugnayan sa kanila si Tamayo ay kukumbinsihin nila itong sumuko. Doland Castro, Patrol ng Pilipino