Ilang bahagi ng Metro Manila, inulan

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2016 09:17 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Matapos ang ilang linggo na sobrang init, inulan naman ang ilang bahagi ng Metro Manila kaninang hatinggabi.

Malakas na ulan ang tumapos sa isang political rally sa Navotas halos eksaktong hatinggabi na nagtagal ng 15 hanggang 20 minutos.

Umulan rin sa Quezon City bago mag ala-una.

Isang kotse naman ang bumangga sa trak. Sabi ng diver hindi na kumapit ang kanyang preno sa dulas ng kalsada.

Bumuhos din ang ulan sa Ermita habang pabugso-bugsong pag-ambon naman ang naranasan sa iba pang parte ng Maynila.

Ayon sa PAGASA, ang naranasang pag-ulan ay isolated thunderstorms na nagsimula sa Bulacan at bumaba ito sa Metro Manila.

Wala pang bagyo o ITCZ na nakikita ang PAGASA na tatama sa Metro Manila sa susunod na mga araw.

-- Umagang Kay Ganda, 28 April 2016