Church, PNP preparing for Easter celebration

Posted at Apr 07 2012 07:59 PM | Updated as of Apr 08 2012 03:59 AM

Todo handa na ang mga simbahan para sa pista ng salubong bukas ng madaling araw. Ito ay ang paggunita sa muling pagkikita ni Hesukristo at ng kanyang ina na si Maria.

Karaniwang may isang bata na siyang naka bihis na anghel ang ibaba para alisin ang belo sa mukha ng Birheng Maria. Matapos nito ay patutunungin na ang kampana ng simbahan at may maikling prusisyon na siyang didiretso sa simbahan para sa isang misa.

Naghahanda na rin ang PNP para sa pagbibigay ng seguridad sa mga deboto. News Patrol, Abril 7, 2012, Sabado