ABS-CBN News

Jeep crushes 12 y/o

Posted at | Updated as of 04/05/11 5:46 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Labis ang pighati ni Gaspar Alabo. Pilit niyang ginigising mula sa mala-bangungot na trahedya ang kanyang anak na si Raymond.

Hindi niya sukat akalain na mauuwi pala sa malagim na aksidente ang pagsama ng anak sa kanyang pamamasada.

Bakas naman sa mukha ng guwardiyang si Christopher Baniqued ang matinding pagkabigla habang kinukwento ang kanyang nakita.

"Bumagsak na pala 'yung jeep 'dun. Iyon pala, may nalaglag na bata," aniya.

Base sa imbestigasyon, nagpang-abot ang dalawang sa sasakyan sa kanto ng Scout Rallos at Scout Ybardolaza.

Tinamaan ng taxi ang gilid ng jeep, dahilan para tumagilid ito.

Doon na nga nahulog ang bata na nadaganan pa sa pagbagsak ng jeep.

Bahagya ding nasugatan ang tatlo pang pasahero.

Samantala, hawak na ng mga pulis ang driver ng taxi na si Reynaldo Carmona na kusang sumuko.

Inaalala ngayon ni Carmona ang asawa at siyam na anak, pero handa naman niyang harapin ang patung-patong na kaso. Jerome Lantin, Patrol ng Pilipino