Illegal recruiter at NAIA employee, inaresto ng NBI

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2016 11:50 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MANILA - Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang illegal recruiter at isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagpapalusot ng mga pasahero na magta-trabaho sa Middle East.

Kinilala ang illegal recruiter na si Melba Portugal. Pineke umano ni Portugal ang mga papeles ng dalawang biktimang ipapalabas niya ng bansa.

Arestado rin ang visa reader na si Daniyal Rascal.

Nakakuha ang NBI ng impormasyon na naipalusot niya ang dalawang biktima sa pamamagitan ng pagsuhol.

Nahaharap sa paglabag sa anti-immigration law, anti-human trafficking at estafa ang dalawang suspek.