WATCH: Maningning na pagsalubong sa Chinese New Year

Posted at Feb 19 2015 10:38 AM | Updated as of Feb 19 2015 06:38 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MANILA - Bakas ang yaman ng pinagsanib na kultura ng Tsinoy sa iba’t ibang paraan ng pagsalubong sa Lunar New Year.

Pinangunahan nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ang selebrasyon sa Plaza Lorenzo.

Nahati sa dalawang bahagi ang fireworks- una ang sa Plaza Lorenzo dakong 11:30p.m, at sa Lucky Chinatown eksaktong hatinggabi.

Pagkatapos nito, tumuloy sa templo ang karamihan at nag-alay ng insenso sa altar.

Matapos mag-alay ng dasal, may libreng tsaa na panlinis naman sa katawan o detox at para na rin sa mabilis na digestion.

Sa labas ng templo, sinunog ang mga perang para sa kanilang santo para daw bumalik ang swerteng katumbas nito.

May bumibili rin ng ibon na maglilipad raw ng katuparan sa kanilang hiling.

Tuloy ang pagdiriwang ngayong araw at isa sa mga highlight ng selebrasyon ay ang dragon dance na iikot dito sa Binondo buong maghapon.

-Umagang Kay Ganda, 19 February 2015