Busted pipe triggers 'flood' in Muntinlupa

Posted at Jan 02 2013 09:52 PM | Updated as of Jan 03 2013 05:52 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Inireklamo ng isang Bayan Patroller ang tumatagas na tubo sa Muntinlupa. Nagiging sanhi na raw ito ng pagbabaha sa kanilang lugar. Sa video na ipinadala ni Robert Cortes, kitang-kita ang pagbulwak ng tubig dahil sa sirang tubo. Reklamo ng Patroller, bumabaha tuloy sa kanilang lugar. Agad inilapit ng BMPM sa Maynilad ang reklamo. Umaksyon naman ang kanilang tanggapan at inayos ang nasirang tubo. Kaya ngayon, tumigil na ang pagbulwak ng tubig. Mga Kapamilya, makibahagi sa Bayan Mo, iPatrol Mo. Mag-email sa [email protected] o mag-post sa Bayan Mo, iPatrol Mo Facebook at sa Twitter account na @bayanmo. TV Patrol, Enero 2 2013, Miyerkules