Law experts react on Webb's acquittal

Posted at Dec 16 2010 10:57 PM | Updated as of Dec 17 2010 06:57 AM

Kabisado na raw ng tinaguriang Hanging Judge na si dating Sandiganbayan Presiding Justice Manuel Pamaran kung ang isang testigo ay sinungaling o nagsasabi ng totoo.

Kaya't nagulat si Pamaran nang iabsuwelto si Hubert Webb at 5 pang akusado sa kaso ng Vizconde massacre matapos sabihin ng Korte Suprema na hindi kapanipaniwala ang testigong si Jessica Alfaro.

“When it comes to the appreciation of facts especially on the testimony of the witness, the trial court should be given the credence because it has the first opportunity to observe the demeanor, gesture and tone of voice of the witness,” ani Pamaran.
 
Ganito rin ang pananaw ng kasalukuyang Presiding Justice ng Sandiganbayan na si Justice Edilberto Sandoval.
 
“The one who tried the case is in the best position to know whether the witness is telling the truth or not because he has the opportunity which is denied the appellate justices to observe the demeanor of the witness,” ani Sandoval.
 
Pero depensa ng Korte Suprema, sumentro lang ang kaso ng prosekusyon sa kanilang star witness kaya sinala rin ng korte ang kredibilidad ni Jessica Alfaro.

“If the main witness' account is found to be incredible, then what would be the corroborating witnesses testifying to,” tanong ni Supreme Court Spokesperson Justice Midas Marquez.

Giit pa ni Pamaran, kung wala mang sala at wala sa bansa si Hubert Webb, hindi dapat awtomatikong maabswelto ang iba pang akusado kahit pa may conspiracy theory.
 
“Apparently, they summed it all that if Hubert was not there then the five will not also be there. That's a conclusion that needs to have evidence,” paliwanag ni Pamaran.
 
Ang problema, wala na ring remedyo para makakuha pa ng katarungan si Ginoong Lauro Vizconde dahil hindi na puwedeng umapela dahil sa double jeopardy. Iisa na lang daw ang natitirang konsolasyon ni Vizconde.
 
“That fact that this SC acquitted did not mean that they didn't commit the crime. It may be true that Hubert and others committed the crime, it may not also be true,” sabi ni Sandoval.
 
Dagdag niya, wala ring karapatang maghingi ng danyos sa Board of Claims ang mga na-acquit at malabo ring umusad ang kasong perjury laban kay Alfaro. Anthony Taberna, Patrol ng Pilipino