Carpio-Morales says Malacañang can't dictate her

Posted at Sep 30 2011 11:17 PM | Updated as of Oct 01 2011 07:17 AM

Hinarap ni Ombdusman Conchita Carpio-Morales ang mga miyembro ng Makati Business Club para ilahad ang kanyang programa para labanan ang katiwalian. Una dito ang pagharap ng kaso sa mga 'big fish,' dati man o bagong matataas na opisyal ng gobyerno.

Inamin ni Ombudsman Carpio-Morales na bago niya magawa ito ay kailangan munang ayusin ang sariling tanggapan. Nagulat kasi siya nang makita ang mga kaso na hanggang 10 taon na ang tagal sa opisina ng Ombudsman.

“Sad to say, there are cases which have been filed [years ago] but are still active," kuwento niya.

Kaya naman nagbabalasa siya ngayon ng mga posisyon.

Sabi niya, "I said, ‘I will look after your welfare.’ [Tapos lahat sila] palakpakan, resounding applause. ‘I’m not finished yet,’ I said, ‘If you discharge your work well.’ They laughed.”

Ngayon, nagbi-build up pa lamang sila ng mga ebidensya sa mga kaso na tumagal sa nagdaang Ombudsman, gaya ng NBN-ZTE deal, fertilizer fund scam at iba pa.

Ayon kay Carpio-Morales, hindi ibig sabihin nito na ligtas na ang mga tiwaling opisyal. Hindi rin daw siya magpapadikta sa Malacañang. Henry Omaga-Diaz, Patrol ng Pilipino