PNoy snatches honorary degree, investments in US

Posted at Sep 20 2011 10:04 PM | Updated as of Sep 21 2011 06:04 AM

Ginawaran ng honorary degree of Doctor of Laws, Honoris Causa ng prestihiyosong Fordham University sa New York si Pangulong Benigno Aquino III.

Saktong 25 taon na ang nakalipas nang gawaran din ang kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino ng honorary degree na ito.

Bilang tradisyon ng Fordham University, inukit ang pangalan ni PNoy sa makasaysayang Terrace of the Presidents, katabi ng pangalan ng kanyang inang si Cory Aquino.

Anim na pangalan ng iba pang mga presidente ng Pilipinas ang nakaukit din sa hagdang ito kasama na si dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo.

Nag-alay din ng bulaklak si PNoy sa tabi na pangalan ng kanyang ina.

“I am struck by the symbolism of Fordham's tradition of literally carving in stone, the names of leaders upon whom you have conferred honorary doctorates. Memorialized in this manner for all time, these names serve as proof positive, or proof negative, of this university's considered judgment in bestowing this honor. Hopefully, I will be in the first category,” sabi ni Aquino.

Sabik na nakisalamuha ang mga estudyanteng Fil-Am kay PNoy.

Sinasabing ang pangunahing pakay ni Aquino dito sa Amerika ay ang paglulunsad ng open government program bukas, alinsunod sa imbitasyon ni Pangulong Barack Obama.

Bonus lang na nakasungkit pa ng mga investment na ito. Don Tagala, Patrol ng Pilipino, New York