Puno faces Senate investigation

Posted at Sep 11 2012 01:53 AM | Updated as of Sep 11 2012 11:38 AM

Iimbestigahan ng Senado sa Biyernes ang umano'y tangkang pagpasok ni DILG Undersecretary Rico Puno sa condo unit ng namayapang si Secretary Jesse Robredo. Aalamin ng Senado ang dahilan at kung anong dokumento ang hanap ni Puno. Kasama sa mga imbitado sa imbestigasyon ang biyuda ni Robredo na kinumpirma sa ating interview na inimbestigahan nga ng kanyang mister si Puno. Bandila, Setyembre 10, 2012, Lunes