The 7 Ramon Magsaysay awardees

Posted at Aug 31 2010 10:51 PM | Updated as of Sep 01 2010 06:51 AM

Sila ang pitong Ramon Magsaysay Awardees sa taong 2010...

Mayor ng Hiroshima, Japan si Tadatoshi Akiba. Sa tatlong termino, ipinaglaban niya ang "nuclear-free world” para mabago ang imahe ng Hiroshima, bilang target ng unang atomic bomb.

Binigyan naman ng lugar sa Bangladesh ni Noman Khan ang mga may kapansanan.

Itinayo niya ang Center for Disability in Development na nagtuturo at nagbibigay trabaho sa mga disabled.

Para sa Pilipinong mag-asawang sina Christopher at Victoria Bernido, magandang pagkakataon ang Ramon Magsaysay Awards para makita ng mundo ang galing at pagpupunyagi ng Pilipino sa gitna ng balita ng hostage crisis.

Hindi man nakadalo ang 2 sa 3 Chinese awardees na sina Fu Qiping at Pan Yue, nagpadala sila ng mga kinatawan. Hindi raw ito pag-boycott dahil sa hostage-taking.

Nasa bansa na ang isa pang Chinese awardee - ang environmental photographer na si Huo Daishan.

Hiling din niya ang katarungan para sa mga nasawing kababayan.

May 267 na ang pinarangalan ng Ramon Magsaysay Awards mula 1958, kung saan 42 ay Pilipino.

Bukod sa medallion at certificate, tatanggap ng tig-$50,000 ang mga awardee. - Karen Davila, Patrol ng Pilipino