NFA, deep in debt but with rice oversupply?

Posted at Jul 28 2010 11:32 PM | Updated as of Jul 29 2010 07:32 AM

Lubog na raw sa utang ang National Food Authority o NFA na umaabot sa P177-bilyon! Pero  sobra-sobra naman ang nakaimbak nilang bigas -- ang ilan ay nabubulok lang, kundi man pinamumugaran lang ng mga insekto! At hindi lang 'yan, kanina natuklasan ng NFA na may nakaimbak pa silang 10,000 sako ng bigas na mula pa noong 2008! Balak na lang itong ibenta ng NFA ng palugi, o kaya'y ibigay sa mga nangangailangan. Nagpa-Patrol, Karen Davila. TV Patrol, Miyerkules, Hulyo 28, 2010