Morato quizzed over 'electioneering'

Posted at Jul 26 2011 10:59 PM | Updated as of Jul 27 2011 11:45 AM

Limang araw bago ang halalan ng 2010 nang umere ang episode na ito ng programang “Dial M.”

Suot ang campaign sticker ni Lakas-Kampi-CMD presidential candidate Gilbert Teodoro, binanatan ni dating PCSO board member Manoling Morato ang mga kandidato ng oposisyon.

Natatawa si Morato habang pinapanood ang episode sa pagdinig ng Senado kanina.

Pero ayon kay Senador Franklin Drilon, labag sa batas ng eleksyon ang ginawa niya.

“You campaigned for the candidates of the administration. This is the kind of abuse of the funds of the charity sweepstakes that we now see,” sabi ni Drilon.

Walang maisagot  si Morato sa isyu ng election offense pero humingi siya ng paumanhin kay Senador TG Guingona.

“I would like to ask for your forgiveness for what I said in that comedy show. It was a comedy show,” sabi ni Morato.
 
Nagkapikunan din sina Morato at Senate President Juan Ponce Enrile sa pagrenta ng PCSO lotto machines sa dalawang kumpanyang hindi nanalo sa bidding noong 1990s.

Sabi ni Morato, utos ito ni dating Pangulong Fidel Ramos.

“I never wanted that job. Lahat ng puwesto ko sa gobyerno ipinilit sa akin,” sabi ni Morato.
    
Ito ang pang-anim at posible raw na huli nang pagdinig ng Blue Ribbon Committee tungkol sa mga anomalya sa PCSO.

Sunod na hamon sa mga senador ang paggawa ng mga batas na magtatama sa mga naungkat nilang mali. Ryan Chua, Patrol ng Pilipino