ABS-CBN News

Philippines sends 10th note verbale to China amid row

Posted at | Updated as of 07/06/12 6:36 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez, iprinoprotesta ng Pilipinas ang itinatag na 'Sansha City' ng China na direktang panghihimasok diumano sa teritoryo ng Pilipinas partikular sa Kalayaan Group of Islands at Baje de Masinloc.

Ito na ang ika-sampung 'note verbale' ng Pilipinas sa China simula nang uminit ang isyu sa pinag-aagawang teritoryo.

Hinimok naman ni Pangulong Benigno Aquino III ang pamahalaan ng China na maging balanse sa kanilang mga pahayag at ibase lamang ito sa katotohanan.

Iginiit din ng Pangulo na kung pauuwiin na rin ng China ang mga barko nito ay makakaiwas na sana sa anumang tensyon.

Tatlong linggo na ang nakakalipas nang iatras ng pamahalaan ang mga barko ng Philippine Coast Guard mula sa Scarborough Shoal.

"Parang hindi klaro sa akin [kung] anong provocative statements ang sinasabi ng Pilipinas, o ng kung ano mang opisyal ng Pilipinas. Baka dapat basahin niya ang mga nakasulat sa kanila at with all due respect, baka dapat balansehin niya ang sinasabi nila sa katotohanan,” sabi ng Pangulo.