GMA lashes at PNoy’s leadership

Posted at Jun 24 2011 11:50 PM | Updated as of Jun 25 2011 09:51 AM

Binatikos ni dating Pangulo at ngayo'y Representative Gloria Arroyo ang administrasyon ni PNoy.

Ayon kay Arroyo, nakakabahala ang diumano’y kawalan ng liderato ng pamahalaan ni PNoy na unang nakita noong panahon ng Manila hostage crisis.

Mapanganib diumano ito sa ekonomiya ng bansa.

Pinuna rin ni Arroyo ang pagdami ng mga nagugutom at paglubha diumano ng katiwalian sa administrasyon ni PNoy.

Sagot naman ng Palasyo, nagpapapansin lang si Misis Arroyo at inililihis ang usapan sa mga bintang ng katiwalian laban sa kanya.

“’Yong characterization of nobody home, that’s the main source, that there may be a danger lurking ahead for economy. Itong pagkukulang lumitaw mula noong hostage sa Luneta,” sabi ni Arroyo.