Miriam shrugs off criticisms on RH, divorce bills

Posted at Jun 20 2011 09:48 PM | Updated as of Jun 21 2011 11:53 AM

Sa loob ng Manila Cathedral, at sa harap ng isang Katolikong kardinal, muling ikinasal ang mambabatas na pabor sa ilang panukalang tinututulan ng Simbahan dahil mapanira raw sa pamilya.

Sa kanyang sermon, tila nagpasaring si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales.

 “Because the family is the basic unity of society, to undermine the family is to weaken any society,” ani Rosales sa kanyang sermon.

Pero buo ang loob ni Senator Miriam Santiago na isulong ang inakda niyang reproductive health bill. At kahit naniniwalang sagrado ang kasal, pabor din ang senadora na magkaroon ng diborsyo sa Pilipinas.

"I think that divorce should be available to people who become homicidal at the sight of each other," aniya.

Pero sa 40 taong pagsasama nila ng asawang si Narciso, hindi raw ito pumasok sa isip niya. Isa raw ang sikreto sa matatag nilang pagsasama.

"We don't breathe down each other's neck. We have autonomy," aniya.

Sa tagal ng pagsasama, hindi na raw nila kailangang ipakita sa publiko ang pagmamahal sa isa't isa. Kaya tumanggi siya sa hiling ng mga bisita.

"To do that at my age, I think would be disgusting,"  aniya.

At kahit may pangalawang kasal, wala nang pangalawang honeymoon.

"I'm not a blushing bride… I’m a veteran wife," ani Miriam.

Para kay Senador Santiago, kayang pagsabayin ang suporta niya sa RH at divorce bill at ang pananampalatayang Katoliko. Konsensya niya raw ang mangingibabaw sa huli, makabangga man niya ang simbahang muli niyang hiningan ng basbas sa kanyang buhay mag-asawa. Ryan Chua, Patrol ng Pilipino