Spratlys dispute heats up; Palace calls for sobriety

Posted at Jun 10 2011 11:37 PM | Updated as of Jun 11 2011 07:37 AM

Anim na beses nang pumasok ang China sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa Spratlys sa unang tatlong buwan ng taong ito. Tatlong beses na ring ipinrotesta ito ng Pilipinas sa China, pero nagmamatigas ang mga Tsino.

Ayon kay AFP chief Eduardo Oban, maging ang Estados Unidos ay naalarma na.

"They felt alarmed also of the frequency of the incursions... and they do assist us in replicating the capability we have in the southern Philippines, and replicate it in southern Palawan," ani Oban.

Kaya naman may malalim na pahiwatig sa China ang pagbisita ni President Aquino sa USS Carl Vinson habang naglalayag ito noong Mayo sa South China Sea.

Sa ilalim kasi ng Mutual Defense Treaty, obligado ang US na tulungan ang Pilipinas kung ito ay lusubin ng ibang bansa.

Ang China ang isa sa may pinaka-makapangyarihang navy sa mundo. Ang Pilipinas naman, ngayon lang magdadagdag ng equipment.

Pero ayon sa hepe ng AFP, handa ang mga sundalo sakaling paputukan ang tropa natin sa Spratlys.

"If a Chinese vessel or a foreign vessel becomes hostile to us to the point of shooting our own people, then we'll have to shoot back," aniya.

Giit naman ni Sen. Francis Pangilinan, hindi dapat nagpapa-bully ang Pilipinas sa Tsina.

"We should not allow ourselves to be intimidated," ani Pangilinan.

Samantala, nanawagan ang Malacañang na huwag na munang magbigay ng pahayag ang sinuman upang hindi na lumala ang sitwasyon.

"We encourage everyone to refrain from inflammatory statements. Ang goal po naman talaga natin dito ay peaceful resolution," ani Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.

Sinabi naman ni Energy Secretary Jose Almendras, magpapatuloy pa rin ang oil at gas exploration sa Palawan Sea, malapit sa pinagtatalunang Spratly Islands. Ces Oreña-Drilon, Patrol ng Pilipino