ABS-CBN News

Basa family denies Corona's statements

Posted at | Updated as of 05/24/12 7:12 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Matapos ang halos 30 taong pakikipaglaban sa kanilang kaso, ngayon lamang daw nagkaroon ng pagkakataon ang mga Basa na ipahayag sa publiko ang umano'y pang-aaping ginawa sa kanila ni Chief Justice Renato Corona at misis nitong si Cristina na kanilang pinsang buo.

Ayon sa pamilya Basa, kinamkam ng mga Corona ang kanilang ari-arian.

Pero sa opening statement ni Corona kahapon, sinabi nitong walang trabaho at spoiled brat ang ama ng mga Basa na si Jose Basa III kaya’t binenta nito ang kanilang mga ari-arian.

Labis na ikinasama ng loob ng mga Basa ang pahayag na ito ng Chief Justice laban sa kanilang ama na matagal nang namayapa.

“To hear the Chief Justice malign him, it was a painful moment in our lives. Jose Maria Basa was an honorable man who strongly believed in the justice system. Contrary to what the Chief Justice said, our father was never unemployed, he was an agricultural entrepreneur and a farmer and was even an agricultural consultant to the Philippine military,” sabi ni Carmen Basa, anak ni Jose Basa.

Ayon naman kay Ana Basa, hindi sila titigil hangga’t hindi sila nakakakuha ng katarungan.

“We were a happy family, my dad and mom raised us, 9 children, to be simple, caring, loving, giving and respectful people. So we don’t know how to take all these being lodged at our dad,” sabi ni Ana.

Sa kabila ng lahat, nais nilang gumaling si Chief Justice Corona. Henry Omaga Diaz, Patrol ng Pilipino