Duterte sinigurong magiging payak ang kanyang inagurasyon

ABS-CBN News

Posted at May 16 2016 10:47 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Tiniyak ni presumptive President Rodrigo Duterte na magiging simple lang ang kanyang inagurasyon bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30.

Pangako ni Duterte, walang alak na ihahanda para sa okasyon at hindi rin siya sasamahan ng pamilya sa kanyang panunumpa.

Balak din anya niyang ipagpatuloy ang mga programang ipinatupad niya bilang alkalde ng Davao City sa mahigit dalawang dekada.

- Umagang Kay Ganda, 16 Abril 2016