Senators angered by unverified papers from CJ complainant

Posted at May 16 2012 11:10 PM | Updated as of May 17 2012 07:10 AM

Hindi nagustuhan ng mga senador ang paggamit ni Harvey Keh ng Kaya Natin movement ng mga dokumentong hindi niya alam ang pinanggalingan -- mga dokumentong hindi raw niya alam kung tunay o hindi para idiin si Chief Justice Corona.

Bukod pa diyan, tila pakay umano ni Keh na impluwensyahan ang pag-iisip ng senator-judges kaya niya isinumite ang mga dokumento kay Presiding Officer Juan Ponce Enrile.

Sumalang si Keh sa witness stand kanina pagkatapos ni dating Akbayan Congresswoman Risa Hontiveros-Baraquel.

Pareho silang naghain ng reklamo laban kay Corona sa Ombudsman, pero si Keh ang nadiin nang husto ng depensa na gustong patunayan na wala siyang kredibilidad at bahagi siya ng malaking hakbang para sirain ang reputasyon ni Corona.

Napagbalingan din siya ng galit ng mga senador dahil sa pagsusumite kay Senate President Juan Ponce Enrile ng mga dokumento tungkol sa umano'y dollar at euro deposits ni Corona na ayon kay Keh ay galing sa isang anonymous source.

Nagalit din ang ibang senador dahil inilabas niya ito sa media.

“Why did you think of me instead of thinking of the Ombudsman where you filed the complaint?” tanong ni Enrile.

“I don't know. I just felt that the Senate would be the office that would be… I'm not a lawyer. I felt that the Senate would be in the best position to evaluate this document,” sagot ni Keh.

“Because of this, I am ordering you to show cause why you should not be cited for contempt by this impeachment court. You're trying to influence this court by bringing these documents. I felt insulted and offended as presiding officer of this court,” ani Enrile.

“Were you a witness to all of these accusations that you make against Chief Justice Corona?” tanong naman ni Senador Miriam Defensor-Santiago.

“No,” sagot ni Keh.

“You cannot even be a witness and you are foisting yourself as a complainant before the public? What kind of good governance are you trying to promote?

“You’re acting on anonymous sources? Everytime there is something that requires the identification of a source, the prosecution says there is no source, it came anonymously. Who’s Mr. Anonymous? I want to ask the PNP and the AFP to issue an arrest order against him,” sabi pa ni Santiago.

Tanong naman ni Senador Jinggoy Estrada, “Mayroon ka bang tinawagan na reporter sa broadsheet para ilako ang storya mo para isulat para masira si Chief Justice Corona?”

“Nabanggit ko,” sagot ni Keh.

“Kanino?”

“Sa kaibigan ko po, si Ms. Tina Dumalao ng Inquirer.”

“Gusto mong ipasulat sa kanya para tuluyang masira ‘yung kinamumuhian mo, ‘yung respondent dito sa kasong ito? Ganoon ba ‘yun? Are you up for publicity?”

“If I wanted publicity, dapat sa totoo lang po nagtawag na lang ako ng press conference,” sabi ni Keh.

“Ikaw nga ang nagtawag sa office ni Senate President and you say you didn’t want publicity, and now you admit you tried to call reporters and tried to offer these documents that you sent to Senate President, those unauthenticated, unverified documents. Sinungaling ka ha,” sabi ni Estrada.

Binatikos din ng depensa si Harvey Keh at dahil daw naging iresponsable ito nang ibigay ang mga dokumentong hindi verified.

Ikinalungkot naman ng mga kasama ni Keh sa Kaya Natin movement ang paggisa sa kanya.

“Ikaw na nga ‘yung may gustong ipaglaban, ikaw pa ‘yung masama. What kind of a country do we have?” sabi ni Grace Padaca, dating Isabela governor.

Pagkatapos ng mga testigo kanina, sunod nang ihaharap ng depensa si Chief Justice Corona. Humiling sila sa impeachment court ng dalawang araw para paghandaan ang testimonya ng kanilang kliyente, kaya sa darating na Martes na natin makikita ang pagsalang ni Chief Justice Corona sa witness stand. Ryan Chua, Patrol ng Pilipino