Ombudsman quizzed on looking at bank records sans court order

Posted at May 15 2012 10:02 PM | Updated as of May 16 2012 06:02 AM

Itinuloy ni Ombudsman Conchita Carpio Morales kanina ang pagdetalye sa mga transaksyon ni Chief Justice Renato Corona sa iba't ibang bangko base sa report na ibinigay sa kanya ng Anti-Money Laundering Council o AMLC.

Sa cross-examination ng prosekusyon, nabigyang-diin kanina ang galaw ng pera ni Corona sa mga importanteng petsa.

Kabilang dito ang 2004 at 2007 elections at noong ma-impeach siya noong December 2011.

Ayon sa kanya, noong panahon ng halalan ng 2004 ay nagdeposito si Corona ng tig-$500,000 sa dalawang magkahiwalay na bank account.

Noon namang 2007, limang beses diumano siyang nagdeposito sa isang bangko ng iba't ibang halaga na aabot sa halos $300,000.

Noong December 2011, ang araw na ma-impeach si Corona at sa mga araw na sumunod, aabot sa higit $3 milyong ang halaga ng gumalaw niyang pera.

Sa muling pagtatanong ng depensa, sinubukan nilang patunayan na walang kumpleto at direktang kaalaman si Ombudsman Morales kung totoo ang lahat ng impormasyong ibinigay sa kanya ng AMLC.

Justice Serafin Cuevas: You swallowed hook, line and sinker the entire contents submitted to you.

Morales: Again, I say the presumptionis is that they would give to me correct information.

Cuevas: And that presumption was never verified by you?

Morales: I could not verify it, I could not go to the bank. Remember yesterday you were talking about confidentiality of bank deposits to which I retorted that are you admitting that these bank deposits exist?

Cuevas: How could I... I’m the one propounding the question. Are you cross-examining me?

Kinuwestyon naman ni Senador Miriam Santiago ang pagsilip ng Ombudsman sa bank accounts ni Corona nang walang court order.

Santiago: Are you of the opinion therefore that should somebody file a complaint against any of us senators or members of the House, you can just go straight to AMLC and ask for our records without going to the court or without waiting for probable cause to be found?

Morales: It would depend on the complaint.

Santiago: You're fudging your answer!

Morales: No. You said it is...

Santiago: You are arguing with a senator-judge.

Morales: I’m sorry. Mea culpa.

Santiago: I accept the apology.

Morales: Noted.

Inamin naman ni Morales na sakaling mapawalang-sala si Corona, handa siyang maghain ng panibagong impeachment complaint kapag natapos ang one year impeachment ban sa Disyembre.

Gusto namang ipatawag ni Senador Santiago ang opisyal ng mga bangko kung saan diumano may dollar accounts si Corona para mas mabigyang linaw ang report ng AMLC.

Pag-uusapan pa ito ng mga senador sa caucus sa susunod na linggo.

Sa isang statement, sinabi naman ng Bank of the Philippine Islands na hindi sila maaaring magkumento tungkol sa anumang dollar accounts sa ngayon dahil sa banker-depositor confidentiality.